Sa isang seremonyang puno ng dangal, pagpapahalaga, at pangako, matagumpay na isinagawa ang Capping and Pinning Ceremony para sa 195 estudyante ng Batsilyer ng Agham sa Kriminolohiya (Bachelor of Science in Criminology) na ginanap sa MPCI Grounds, Septyembre 11, 2026.


Ang okasyong ito ay simbolikong hudyat ng kanilang paglalakbay tungo sa larangan ng batas, hustisya, at paglilingkod sa bayan. Sa harap ng mga magulang, guro, at kapwa estudyante, isa-isang isinuot ang "Cap"at "pin" sa bawat mag-aaral. Ito ay mga simbolo na kumakatawan sa disiplina, integridad, at katapatan na kinakailangan sa propesyong kriminolohiya.


Ang seremonya ay hindi lamang paggunita sa akademikong pagsulong, kundi isa ring pagpapatibay ng kanilang pangako sa serbisyo publiko at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.


Sa mensahe ng paunauhing tagapagsalita na si MAJ ZAIDA V. MAGLALANG (AGS) PA 202 CDC DIRECTOR , binigyang-diin niya ang kahalagahan ng " disiplina, pananagutan, at malasakit" bilang mga haligi ng magiging kriminologo, at "hindi natatapos sa pag-aaral ng batas sa loob ng paaralan kundi pag sasabuhay nito kahit walang nakatingin at walang pag aalinlangan".


Pinag-usapan din na ang bawat estudyante ay itinuturing na mandirigma ng katarungan. handang harapin ang mga hamon ng kanilang bokasyon na may buong integridad at determinasyon.


Bahagi rin ng programa ang pagbigkas ng panunumpa (oath-taking), kung saan taimtim na ipinahayag ng mga estudyante ang kanilang pangako na susundin ang batas, igagalang ang karapatang pantao, at maninilbihan nang may dangal sa hinaharap na propesyon.


Ang Capping and Pinning Ceremony ay isa sa mga pinakainaasam na tradisyon sa larangan ng kriminolohiya, sapagkat ito ang unang opisyal na hakbang patungo sa pagiging ganap na tagapagtanggol ng batas at kaayusan. Sa ganitong pagdiriwang, muling napagtibay ang misyon ng institusyon na maghubog ng mga propesyonal na may malasakit, disiplina, at tunay na pagmamahal sa paglilingkod.